Saturday, February 16, 2008

Mga Dapat Alamin sa Pag-Invest sa Mutual Fund

Tatlong taon na ako na nag-iinvest sa mutual fund. Bago ako nag-invest halos isang taon ko muna pinag-aralan kung paano ito tumatakbo at paano ka kikita dito. Sa loob ng tatlong taon, may mga natutunan ako na dapat malaman bago ka mag-invest sa mutual fund. Ito ang mga sumusunod:

1. Alamin ang prospectus ng kompanya o mutual fund. Sa prospectus nandun ang mga objective, historical performance, investment strategy, stock porfolio at management ng mutual fund.

2. Ang mutual fund investment ay di sigurado, nagbabago ang halaga ng mutual fund araw-araw. Kaya bumili ka ng share kapag mababa at magbenta ka naman ng share kung mataas.

3. Para mamaximize mo ang investment mo sa mutual fund, dapat pang matagalan ang investment mo. Kung ikaw yung tipo na hindi makapag-hintay ng dalawang taon, sa stock market ka na lng mag-invest.

4. May tinatawag na sales load at exit load. Ang halaga ng mga ito ay nagbabago kung gaano kadami ang investment mo at kung gaano katagal ang investment period mo.

5. Maliban dito me nakatagong cost na di nila sinasabi, halimbawa sa merong documentary fee na babayaran ka kapag binigyan ka ng share certificate at transfer fee pag sa branch ka lng bumili.

6. Magandang bumili ng share pag mababa ang stock market index. Ang stock market index ay mababa karaniwan tuwing me kaguluhan dito sa bansa at sa America. Lalo na pag me bomba, mass resignation, impeachment sa politika sa Pilipinas. Naapektuhan din ang stock market ng mga tinatawag na economic indicators, pag-mababa ang GDP o GNP nating o kaya naman patuloy tumataas ang langis at halaga ng dolyar sa piso.

7. Makakatulog ka ng mahimbing dahil ang investment mo ay nasa kamay ng mga professional. Kaya hindi kelangang araw-araw o oras-oras tingnan mo sa dyaryo ang performance ng mutual fund mo.

1 comment:

Home Reading Report said...

Magaling magaling, salamat sa post na ito kasi natutunan ko ang pros at con anf mutual bond investing. I think I would go for Stocks nalang